Now Playing Tracks

  • Track Name

    What If

  • Artist

    Jason Chen

julielmolovin:

Forevermore Book Four: Chapter 8

 

Pag labas ni Julie ng classroom nila nagulat siya ng may mga random na nagbibigay sa kanya ng chocolates. Tanggap lang siya ng tanggap dahil nasa kamay niya na ang chocolates bago niya pa marealize na hindi niya dapat iyon tanggapin.

“Pare ano ayos ba ang buhok ko?” Tanong ni Elmo habang inaayos niya ang kanyang buhok. May hawak-hawak siyang gitara ngayon, naghahanda para i-serenade si Julie.

“Omg! Andyan na siya!” Kinikilig naman na sambit ni Sarah habang natakbo ito papalapit sa kanila. She’s their look out, actually marami talagang look out, siya lang talaga ang huli, siya kasi ang cue kung magsisimula na ba si Elmo sa pagkanta.

Biglang kumabog ang dibdib ni Elmo ng marinig niya ang andyan-na-siya na linya ni Sarah. Bigla rin siyang pinagpawisan, ito kasi ang first time niya na mangharana ng babae sa harap ng maraming tao. Oo, maraming may alam ng gagawin niya, except for Julie.

Napatigil si Julie ng makita niya si Elmo sa lobby ng school nila. Hindi iyon yung tipo na nahawi ang crowd ng dumating siya, but it feels just like it. Lahat ng mata nasa kanya ngayon, including Elmo’s sweet, sweet eyes.

“Never ever seen somebody like you. Got me mystified, hypnotized, paralyzed and the way you move-” Napangiti siya ng makita niya si Elmo na nagstep papalapit sa kanya. Malayo sila sa isa’t-isa kaya hindi niya alam kung gaano katagal bago ito makalapit sa kanya. “Should be against the rules-“ He smiled back at her. Hindi niya alam na marunong palang kumanta si Elmo kaya hindi niya talaga inasahang magagawa iyon ng kanyang manliligaw sa kanya. “’Cause when you look my way. I just lose my cool-“ He stopped walking, but they kept on staring each other. Nagulat si Julie ng may kumulbit sa kanya, it was Yassi, she gave her a piece of chocolate, ngumiti siya rito pagkatanggap niya at pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin niya kay Elmo. “Even though we’re not acquainted.” Nagsimula na muling maglakad papalapit sa kanya ang binata. “You’re way too hard to ignore.” Sandali itong yumuko sabay tingin muli kay Julie. “Baby it’s like our love is faded-“ He looked at her in a very cute way. “For you I will start a war.” Natawa lang si Julie ng marinig niya ang line na iyon.

“What if I have the courage to say hello? What if I told you, you are beautiful?” May lumapit na naman kay Julie, another chocolate given to her by Wyn. “What if you felt the same way about me too? And we took a chance on me and you. Oh what if?”

Another chocolate was handed to her by Neil, medyo nagpacute pa ito sa kanya kaya natawa siya. “Come and see you. I don’t know what I should do.” He paused. “Yeah, you’re in my mind. All the time I realize-” She met his gaze again. “The fire in your eyes
Helps me see the light.-“ He smiled again. “And when you pass my way, it’s like I’m lost in time.“ The last chocolate was given to her by Enzo na kinikilig-kilig pa. “Even though we’re not acquainted. You’re way too hard to ignore. Baby it’s like our love is faded, for you I will start a war-” Hindi niya namalayan na malapit na sa kanya si Elmo, about three steps away. He took a step. “What if I have the courage to say hello? What if I told you, you are beautiful?“ And the last one. “What if you felt the same way about me too?
And we took a chance on me and you.Oh what if? Nananana… nananananana.”

“If I gave you my all-” Pareho silang ngumiti ng magkalapit na sila, still they were looking at each other’s eyes. Bumitiw ang kanang kamay niya para hawakan ang kamay ni Julie para halikan iyon. “Would you lend me a piece of your heart?” He played the guitar again. “No matter how small, I would cherish that one special part. Asking what if? What if?” Kinuha niya sa kanyang bulsa ang last chocolate and sang… “What if I have the courage to say hello? What if I told you, you are beautiful? What if you feel the same way about me too? And we took a change on me and you. Oh what if? Nananana… nananananana. What if? What if?” While he was giving the very last chocolate to the love of his life.

 

***

“Huy!”  Nagulat si Julie ng makita niya na sa tabi niya si Sarah, doon niya lang narealize na nagre-reminisce na naman siya ng panghaharana sa kanya ni Elmo the other day. “Ano yan?” Sarah was referring to the sticky notes on the table.

“Ha?” Kaagad namang nilikom ni Julie ang mga iyon para hindi na mapakialaman pa ni Sarah. But she was too late, nakuha na ni Sarah ang isa sa mga iyon.

“Almost there.” She read. “Para saan to?”

“Wala-” Kinuha niya kay Sarah ang green sticky note, pero ng gawin niya iyon kumuha lang ito muli ng panibago. “Heart?” She read the symbol, ♥. “Sasagutin mo na ba siya besh?” Excited na sambit ni Sarah.

“What? No.”

“Sus.” Tumuon si Sarah sa table para mas makalapit pa siya kay Julie. “Lumalaki butas ng ilong mo, nagsisinungaling ka.”

Agad namang tinakpan ni Julie ang ilong niya, nao-awkwardan sa posisyon ngayon ni Sarah sa harap niya. “Nagsusulat lang ako Sarah okay?”

“Isa pang sinungaling mo I swear hihipan ka na ng masamang hangin, magstay nang ganyan ang ilong mo forever.” She threatened her para magsalita na ito, she loves surprises more than anybody else. At kapag may mga ganoong surpresa, gusto ni Sarah siya ang unang makakaalam.

“Fine.” She rolled her eyes. “Pero wag kang tatawa?”

“Sige.” Lumapit sa kanya si Julie para bumulong, after noon syempre hindi niya nakeep ang promise niya. “HAHAHAHAHA!”

“Sabi ko wag kang tatawa!”

“Ang baduy kasi, paano ka papasok sa kwarto niya aber?”

“Hindi ko pa alam.” She sighed. “You got a better idea?”

“Wait for it.” She winks at Julie. “Kailan ba yan?”

“Today.”

“Sigurado ka na?” She paused. “Kasi wala ng atrasan pa to Julie.”

Mabilis na tumango si Julie. “Hindi pa ako naging ganito ka sure sa buong buhay ko.”

“Sure na sure ka na talaga?” Pangungulit pa ni Sarah, she just wanted to make sure that her bestfriend’s making the right decision.

“Oo nga.”

“Okay sige, after nalang ng practice niya para may time pa tayong magprepare.”

“Ano ba kasing plan mo?”

“Hindi naman nalalayo sa plano mo, exclude mo lang ang kwarto ni Elmo.” She touched the tip of her nose. “You naughty girl.”

“Saan ang naughty dun?”

“Wala lang-” She laughed. “Madumi lang talaga ang utak ko.” Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ni Julie. “Let’s go na.”

***

Walang kamalay-malay si Elmo na ito na ang best day ever niya. Nagpractice lang siya, after ng practice niya nagshower siya at nagpalit ng damit. Nagbibiruan pa sila nila Neil ng mapansin nila na nakasarado ang pinto na daraanan nila papalabas ng gym.

“Ang aga naman ata nagsara?” Lumapit si Enzo sa gate, may nakita siyang yellow note na ‘à’ na nagtuturo papunta sa isa pang exit door sa gym na iyon. “Pinagti-tripan ba tayo?” Tanong niya ng muli niyang harapin ang kanyang mga kaibigan.

“Bakit?” Tanong ni Elmo.

“Look.” Pinakita ni Enzo ang note kay Elmo, since medyo malapit sila sa isa’t-isa hindi malinaw sa kanya kung ano ang nakalagay sa hawak ni Enzo.

“What does it say?”

“Parang doon nalang ata tayo dapat dumaan.” Tinuro ni Enzo ang isa pang exit door.

“Baka naman guard naglagay nyan?”

“Baka nga.” Pagsang-ayon ni Enzo, pagkatapos noon naglakad na sila papalabas ng gym. They were about to step out ng mapansin ni Elmo ang isa pang note sa gate. Dire-diretso lang sila Enzo sa paglalakad papuntang parking, nang maramdaman nilang hindi nakasunod sa kanila si Elmo ay huminto ang mga ito sa paglakad. “Moe ano hindi ka pa uuwi?”

“Sige mauna na kayo, may nakalimutan ata ako sa shower room.” Palusot niya dahil alam niyang hindi lang coincidence ang mga note na nakikita niya, kilala niya rin ang handwriting doon kaya mas pinili niyang manatili, ramdam niya kasi na naroroon pa si Julie hindi niya lang alam kung saan doon. Pero sigurado siya sa isang bagay… he just have to follow the notes.

Take fifty steps from the gate. The note says.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na sundin iyon. Naglakad siya ng fifty steps mula sa gate tulad ng nakasulat sa note, and there he found the pink note on the post and it says… if you want to be happy turn left. I’ll be waiting (with a smiley). If you don’t want, just go away. All he wanted in life was to be happy so he… turned left and found another note that says, take one hundred steps then turn left again.

Pamilyar kay Elmo ang daan habang nagbibilang siya sa kanyang isipan. Pamilyar iyon in a sense na may memories siya with Julie sa mga lugar na nadadaanan niya. Nakalagpas na siya sa library, even on their chem lab lagpas narin, thirty steps nalang bago niya marating ang one hundred pero napatigil siya dahil nang sunod-sunod na umilaw per post ang white Christmas lights na nakapulupot sa mga ito.

At the end of the post nakita niya si Julie, nakatayo naghihintay sa kanya. Doon niya narealize sa lugar na iyon una niyang nakita ang magandang mukha ni Julie. Hindi niya maiwasang magpasalamat kay Lauren ng mga oras na iyon dahil kung hindi dahil sa dito hindi niya makikilala ang pinakamahalagang tao ngayon sa buhay niya, at iyon ay si Julie.

Naglakas loob na siya. Hindi niya alam kung ano ang nasa dulo ng line pero alam niyang there’s something in there. Kaya naman tinake niya ang first five steps para makarating sa first post. Tumigil siya ng mapasin niya ang note doon, kinuha niya agad iyon at binasa. “Are you ready? If yes, take the next five steps. Otherwise, leave.” Tumingin siya kay Julie pero walang siyang nakikitang emosyon mula sa mukha nito kaya nagdecided nalang siya na maglakad pa ng another five steps. Kinuha niya ang isa pang note sa second post. “You took the next five steps, I guess you’re ready. Take the next five.” He took another five steps. “You’re almost there.” The note says. Naglakad ulit siya papunta sa fourth post. “One last.. bilisan mo haha.” And he took the last five steps. Kinuha niya ang last note sa fifth post pero nagulat siya ng walang nakalagay doon kaya tumingin na siya kay Julie, three steps away nalang siya rito. “Julie ano to?”

“What if I have the courage to say hello?” Nagulat siya ng biglang kumanta si Julie, nakatingin parin siya dito. Dumbfounded. “What if I told you, you are beautiful?” Humakbang na si Julie papalapit sa kanya, her first step out of the three steps. Ngumiti ito sa kanya na para bang naluluha, hindi niya alam pero nararamdaman niya rin ang nararamdaman ni Julie ng mga oras na iyon. For no reason, naluluha rin siya.  “What if you feel the same way about me too?” She took the next step. “And we took a change on me and you.” At ang final step, magkatapat na sila ngayon, pinagmamasdan nila ang isa’t-isa. “Oh what if?” Tanong niya habang kumakanta.

“Is that a song or a question?” Natatawa na naluluhang tanong ni Elmo. Ewan niya kung bakit ganoon, hindi niya magets kung bakit siya naiiyak o natutuwa na ewan. Para siyang tanga na inaalam kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon habang nakatingin siya kay Julie.

“That’s a song.” Ngumiti si Julie ng ipakita niya kay Elmo ang nakatalikod na note. “This is the question-” She flipped it. “To forever?” Iyon ang nakasulat sa note na nagpadagdag pa sa pagkabog at pagtalon ng puso ni Elmo ng pagkabilis bilis. Tama nga ang sinasabi ng nakararami na happiness comes when you least expect it.

“To forever.” Sagot niya ng pareho ng tumulo ang luha nila ni Julie, kaagad niya itong hinigit papalapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit. “Thank you.” Mas hinigpitan niya pa ang yakap dito, naramdaman niya rin ang yakap ni Julie pabalik. “I will promise to take care of you-” Hinalikan niya ang buhok ni Julie ng paulit-ulit. “forever.”

***

“Julie?” Mabilis kong tinago ang isinusulat ko ng makita ko si Elmo sa tabi ko. Sa sobrang busy ko ata sa pagsusulat hindi ko napansin na nakapasok na siya sa kwarto namin. Hindi niya dapat makita ‘to. Ayoko.

“Hi hon.” Bati ko sa kanya sabay tago ng mala-journal na sinusulatan ko sa likod ko. But it was too late, nakita niya na talaga, dapat pala hindi ako nagpanic para hindi na siya nakahalata.

“Anong tinatago mo dyan?” Pilit niyang sinisilip ang tinatago ko sa likuran, ako naman todo parin sa pagtago. Nang makita ko na inaabot niya na ang journal na iyon sa likuran ko ay nagsimula na akong tumakbo, lalabas na sana ako ng pinto ng maharangan niya ako.

“Julie ano yan?” Pangungulit niya pa.

“Bakit ka kasi nandito?” Inis na tanong ko sa kanya, wala pa ako sa kalahati ng story namin! Hindi pwedeng hindi ko to masulat, gusto ko kasing magawa to para pagtanda namin o kapag may mga apo na kami, wag naman sana muna baby pa mga anak ko, pero at least malalaman nila kung pano kami nagkakilala ni Elmo.

“Malamang kwarto natin to.” Nagising ako sa tanong niya, nakikipag matigasan parin ako sa kanya. Yakap-yakap niya na ako ngayon, pilit paring inaagaw ng magaling kong asawa ang journal ko. Kiniliti niya na ako sa sobrang desperate niya. Badtrip talaga kasi alam niya kung saan ang kiliti ko  at alam niya rin na may possibility-ng mabitawan ko ang journal kapag ginawa niya yun.

“Elmo Isa-” Serious face na ang ginamit ko pero wala parin, walang kahit isang effect man lang. Desperada narin ako kaya mas pinili kong humiga sa sahig, hinigaan ko ang journal ko. Ha! Ano ka ngayon Elmo.

Akala ko susuko na siya pero hindi, sumakay siya sa ibabaw ko, he’s still trying to get the journal from me. What a husband this husband.

“Elmo stop!”

“I’ll stop when you give me that.” Pilit parin talaga niyang kinukuha ang journal sa likod ko. Nakakainis!

“Are you guys fighting?” Napatigil si Elmo sa pag-attack sakin, napatigil din naman ako sa pagdefend ng marinig ko ang boses ni Sophie, nasa tabi nito si Lance at Ellie. Hindi na naman pala nakalock ang pinto… nasa ganitong posisyon pa kami. Si Elmo kasi!

Kaagad ko siyang tinulak away from me. Nagtawanan ang mga anak namin ng gawin ko iyon, and yes nagkachance ako na itago ang journal. Nang magawa ko iyon, nilapitan ko na sila Sophie to explain my side, syempre I’m their mommy so they believed me.

When I turn my back nakita ko si Elmo, hawak na ang journal. Hindi ko alam kung paano niya nakita kung saan ko tinago, mala-flash style na ang ginawa ko… kapag desperado nga naman ang isang tao.

I ran to him but it was too late again, nascan niya na ang sinulat ko. Mabilis siyang magbasa kaya alam ko nagets niya na. Tiningnan niya ako ng seryoso, napakagat lang ako ng labi, guilty of what I have done.

“You don’t say?”

 

 

TO BE CONTINUED…

Love that line! Nyahahahha #Nyel

To Tumblr, Love Pixel Union